This is written in my native language Tagalog, its a funny comparison of the usage of the Bible and Cellphone. If you want an English translation inform me and I will try my best to translate it.
>
> Ang cellphone laging hawak ipinapakita,
> Ang Bible laging nakatago at ayaw ipakita.
>
> Ang cellphone binibili kahit libo-libong halaga,
> Ang Bible ayaw bilhin, kahit isang daan ang halaga.
>
> Ang cellphone laging pinapalitan ng case,
> Ang Bible hindi man lang mabilhan ng case.
>
> Ang cellphone ay ayaw magasgasan,
> Ang Bible hinahayaang maalikabukan.
>
> Ang cellphone bihirang makaligtaan kung saan iniwan,
> Ang Bible madaling makaligtaan kung saan naiwan.
>
> Ang cellphone mahirap ipahiram, baka masira,
> Ang Bible madaling ipahiram, kahit mawala.
>
> Ang cellphone laging binabasa kung may bagong message,
> Ang Bible hindi binabasa kaya hindi makita ang message.
>
> Ang cellphone message masarap i-share.
> Ang Bible verse nakakalimutang i-share.
>
> Ang cellphone pinapakita ang lifestyle ng tao,
> Ang Bible nagpapabago ng lifestyle ng tao.
>
> Ang cellphone mabilis maluma,
> Ang Bible hindi naluluma.
>
> Ang cellphone message kung minsan ay late,
> Ang Bible laging on time ang message.
>
> Ang cellphone kailangan magload para mag-message,
> Ang Bible laging fully loaded ang message.
>
> Ang cellphone ay mahalagang gamit ng tao,
> pero ang Bible ay mas mahalaga kung gagamitin ng tao.
>
> Ang ganda di ba? Sa'n ka pa?
> I-forward mo kaya o itago nlang?
> It's up to you.....
>
No comments:
Post a Comment