Nag-aaral ako sa La Salle. Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua,Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Goako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya angtaya sa tuwing gigimik ang barkada.Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sapagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron din angilan sa kanyang malalapit na kamag-anak.Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko maintindihan.Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi. Maiwan dawmuna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang inihahatid nya ang kanyangmga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat ako sa gawing kaliwa ng kama ngkanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ngmagbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay biglang nangisay angmatanda.Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang kanyang palad atpaulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko maintindihan.
"Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"... "Di ta guae yongkhee"..
paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga. Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat nya angpangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang kanyangama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon na yata angpinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko.Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin uli ang kanyang mgakamag-anak.Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang iba panaming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng
"Di ta guae yongkhee".
"Huwag mong apakan ang oxygen. "... "Bakit saan mo ba narinig 'yan?".
1 comment:
this is heartbreaking, grabe.
Post a Comment